Pahiwatig na may mabuting gagawin at may mga tunay na kaibigan
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 11, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Glenda ng Davao.
Dear Maestra,
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat.
Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nakatanggap ako ng letter mula sa aking best friend at agad ko naman itong sinagot. Kaya lang, puro kasinungalingan ang sinabi ko sa aking sulat para sa kanya.
Ano ang kahulugan ng panaginip ko?
Naghihintay,
Glenda
Sa iyo, Glenda,
Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na nakatanggap ka ng letter mula sa iyong best friend ay may matatanggap kang isang hindi inaasahang balita. May posibilidad din na may magbigay sa iyo ng regalo.
Ang kahulugan naman ng sinagot mo agad ang sulat ay may gagawin kang kapaki-pakinabang na gawain na makakatulong sa iyong kapwa.
Samantala, ang ibig ipahiwatig ng nagsinungaling ka sa sulat mo ay magkakaroon ka ng mga kaibigan na mapagkakatiwalaan at maaasahan mo sa sandali ng kagipitan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments