top of page

Pahiwatig na may ibang dyowa ang asawa

  • BULGAR
  • Aug 26, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 26, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jeremy ng Tarlac.


Dear Maestra,


Bagong kasal lang ako at nangangarap nang magkaanak. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko, may kaugnayan ba ito sa kagustuhan kong magkaanak?

Napanaginipan ko na nakaupo ako sa aking rocking chair. Panay ang kain ko ng cherries, habang sarap na sarap ako sa pag-upo habang inuuga ang aking rocking chair, tapos pumunta muna ako sa kusina para gumawa ng cheese sandwich. Bumalik ako sa rocking chair habang kinakain ang cheese sandwich.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jeremy



Sa iyo, Jeremy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakaupo ka sa rocking chair ay magkaka-baby ka na at malapit ka nang mabuntis. ‘Yun namang sarap na sarap ka habang nakaupo at inuuga ang rocking chair ay nangangahulugan na magtatagampay ka sa mga plano mo sa buhay.


Samantala, ang pumunta ka sa kusina para gumawa ng cheese sandwich at kinain ito habang nakaupo sa rocking chair, nagpapahiwatig ito na hindi tapat sa iyo ang karelasyon mo. May iba siyang mahal, pero past time lang ‘yun. Gayunman, ikaw pa rin ang mas mahal niya at itinuturing na asawa.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page