top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pahiwatig na matatapos na ang pinakamatinding pagsubok sa buhay

BULGAR
Apr 5, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 5, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Camarines Sur.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Gusto kong magpaanalisa ng panaginip ko dahil napanaginipan ko na sumakit ang ngipin ko, tapos pumunta ako sa dentista at binunot niya ang ngipin ko at pinalitan ng bago. Pagkatapos nu’n, tumayo na ako sa upuan at agad na umalis.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lourdes



Sa iyo, Lourdes,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sumakit ang iyong ngipin ay may dadaluhan kang malaking event. Magiging masaya ka sa nasabing event kahit hindi mo naman inaasahang may magyayaya sa iyo ru’n.


‘Yun namang binunot ng dentista ang ngipin mo at pinalitan ng bago, ito ay nangangahulugan na lilipat ka ng bagong bahay at malilipat din ng bagong posisyon sa pinapasukan mo.


Samantala, ang upuan ay nagpapahiwatig na maiiwasan mo ang tukso at iba pang temptasyon na darating sa buhay mo at ‘yung umalis ka agad pagkatapos bunutin at palitan ng bago ang ngipin mo ay nangangahulugang matatapos na rin ang pinakamatinding pagsubok na naranasan mo sa nagdaang mga araw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page