top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pahiwatig na matatapos na ang lungkot na dala ng pandemya

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 12, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Fely ng Tarlac.


Dear Maestra,


Madalas akong managinip ng aso. Tulad kagabi, napanaginipan ko na may asong gala na nagpupumilit na pumasok sa gate namin at halos gibain na niya ang gate at muntik nang makapasok sa amin. Buti na lang, naagapan ng brother ko na maisara ‘yung gate dahil kung hindi, siguradong makakapasok ‘yun at baka kagatin kaming lahat.


Actually, may alaga kaming aso na mabait, maamo at malambing sa amin, at natanaw ‘yun ng nasabing aso. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,


Fely


Sa iyo, Fely,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo tungkol sa aso. Ang ibig sabihin niyan ay malulutas na ang problemang bumabagabag sa iyo at mawawala na ang pag-aalala mo.


Gayundin, liligaya ka na sa mga darating na araw. Matatapos na ang kalungkutang dinaranas mo habang nakikibaka sa hirap na dulot ng COVID-19 pandemic.


Manatili kang matatag dahil lahat ay dadaan at lilipas. ‘Ika nga, walang permanente sa mundo.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page