Pahiwatig na mapo-promote sa trabaho at labs ng bf
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 28, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gloria ng Pampanga.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nagpapalipad ako ng saranggola sa park kasama ang boyfriend ko. Tuwang-tuwa ako habang pataas nang pataas ang saranggolang pinalilipad ko, tapos bigla akong hinalikan ng boyfriend ko sa labi, sabay sabi ng “I love you.”
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Gloria
Sa iyo, Gloria,
Napakaganda ng ipinahihiwatig ng panaginip mo na nagpapalipad ka ng saranggola at pataas ito nang pataas. Ito ay nangangahulugang mapo-promote ka sa trabaho at sa pinakamataas na posisyon ka pa ilalagay.
Sa pag-ibig, nagpapahiwatig ito ng paglalakbay at tagumpay sa negosyong may kinalaman sa pagsasaka.
Samantala, ang bigla kang hinalikan ng boyfriend mo sabay sabi ng “I love you” ay nangangahulugan na totoo ang pag-ibig niya sa iyo. Mahal na mahal ka niya nang walang halong pagkukunwari.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments