top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pahiwatig na mapo-promote sa trabaho at gagaling sa karamdaman

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 9, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bong ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagpalipad ako ng saranggola sa bukid namin. Tumaas ito nang tumaas at hindi natitinag kahit malakas ang hangin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Bong



Sa iyo, Bong,


Ang ibig sabihin ng nagpalipad ka ng saranggola at tumaas ito nang tumaas, hindi natitinag kahit malakas ang hangin ay tataas ang antas ng iyong pamumuhay. Mapo-promote ka rin sa trabaho at magkakamit ng award sa pinapasukan mo. Administrative position ang mapasasaiyo ayon na rin sa may-ari ng kumpanyang pinapasukan mo.


Gayundin, susuwertehin ka sa pag-ibig at magta-travel kayo ng dyowa mo at may kaugnayan ito sa bagong negosyo na balak n’yong umpisahan.


Samantala, ‘yung pumunta ka sa bukid at du’n nagpalipad ng saranggola, may kaugnayan ito sa kalusugan mo. Kung may nararamdaman kang sakit sa kasalukuyan, gagaling ka at gaganda na ang pakiramdam mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page