top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pahiwatig na malalagpasan ang mga problema sa buhay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 09, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flora ng Bataan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa ospital ako at nakatakdang operahan sa kidney. Tapos dumating ang dati kong kaibigan, subalit naging kaaway ko rin siya sa bandang huli.


Dinalaw niya ako sa ospital kung saan ako naka-confine. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?



Naghihintay,


Flora


Sa iyo, Flora,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakatakda kang operahan sa kidney ay kabaligtaran. Ito ay nagpapahiwatig na tuluyan kang gagaling sa iyong karamdaman at mawawala na ang sakit mo sa kidney.


Samantala, ang sabi mo ay dinalaw ka ng kaaway mo sa ospital, ito naman ay nagpapahiwatig na malalagpasan mo ang anumang balakid o sagabal sa kaligayahan mo. Nangangahulugan din ito ng kasaganaan sa darating na mga araw. Malulutas na ang iyong problemang pinansiyal kaya giginhawa na ang iyong buhay.




Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page