top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pahiwatig na makakatanggap ng pera

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 13, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cory ng Sta. Cruz.


Dear Maestra,


Nakakatakot ang panaginip ko at buti na lang, hindi ako binangungot. Napanaginipan ko na bibitayin ako at iha-hang ako hanggang mamatay. Nang nandu’n na ako sa lugar na pagbibitayan sa akin, nilagyan ng sombrero ang ulo ko, tapos mukhang bago ang sombrero at maganda ito, gayundin, sukat na sukat sa ulo ko. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,

Cory


Sa iyo, Cory,


Huwag kang matakot sa panaginip mo na bibitayin ka, sa halip ay matuwa ka dahil napakaganda ng ibig sabihin nito. Ito ay nangangahulugan na makakatanggap ka ng pera sa darating na mga araw at malaki ang maitutulong nito sa iyo.


Samantala, ‘yung sombrero naman na bago at sakto sa ulo mo, ‘yan ay nagpapahiwatig na matutupad na ang pinakamimithi mo sa buhay. Your wish will be granted.


Susuwertehin ka rin sa negosyo at tuloy-tuloy na ang pag-unlad mo sa buhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page