top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pahiwatig na magre-retire sa pagiging seaman

BULGAR
May 24, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 24, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tommy ng Palawan.


Dear Maestra,


Isa akong seaman at kababalik ko lang sa Pilipinas, isang linggo na ang nakakaraan. Nabasa ko ang kolum n’yo sa BULGAR at nagkainteres agad ako dahil madalas akong managinip.


Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na dinalaw ko ang taniman namin ng palay. Pero nagulat ako dahil sa halip na palay ay wheat o trigo ang nakatanim du’n. Natuwa naman ako dahil malago at hitik na hitik sa butil ang mga trigo at handa nang anihin ang mga ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?


Naghihintay,

Tommy


Sa iyo, Tommy,


Maraming salamat sa pagbabasa mo ng aking kolum at pagkonsulta sa akin tungkol sa panaginip mo. Ang ibig sabihin ng panaginip mo na malago at hitik na hitik sa butil ang trigo na tanim sa bukid n’yo ay kasaganaan at tagumpay sa buhay ang nakatakdang mapasaiyo sa darating na mga araw. Yayaman ka na at lalago ang iyong kabuhayan, gayundin, magtatagumpay ka sa lahat ng binabalak mong gawin.


Samantala, ang sabi mo ay isa kang seaman, nagpapahiwatig ang panaginip mo na magre-retire ka na sa pagiging seaman at magiging maligaya sa piling ng iyong mga mahal sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page