Pahiwatig na magkadugtong ang buhay ng nanaginip at BFF
- BULGAR

- Sep 10, 2020
- 1 min read
ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | September 10, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Corlyn na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Pumunta rito sa amin ang best friend ko, pero sa totoong buhay, nasa Cagayan De Oro siya ngayon. Sa panaginip, parang nandito talaga siya. Masaya kaming nagkukuwentuhan at nagluto pa kami ng spaghetti na pang-merienda. Dati na naming ginagawa ito sa amin o sa kanila kung napapasayal kami sa bahay ng isa’t isa.
Naghihintay,
Corlyn
Sa iyo, Corlyn,
Masasalamin na ikaw din ay napanaginipan ng best friend mo. Minsan, ang ganitong klase ng panaginip ay nagsasabing sabay, as in, the same time, ikaw at siya ay nananaginip.
Nangyayari lamang ang ganitong mahirap paniwalaang katotohanan sa mundo ng mga panaginip sa pagitan ng dalawang taong tunay na magkadugtong ang buhay.
Sa pagmamahalan, ito ay “twin hearts”, ang twin hearts ay hindi lang sa relasyon sa pagitan ng babae at lalaki kundi maging sa mga mag-best friend.
Para malaman mo kung totoo, makipag-ugnayan ka sa kanya gamit ang social media o text at tawag. Sasabihin niya sa iyo na gabi at araw, umaga at tanghali, ikaw ang laman ng kanyang isip.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo







Comments