top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pahiwatig na mag-a-abroad muna ang mapapangasawa bago magpakasal

BULGAR
Mar 25, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 25, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flora ng Candaba, Pampanga.


Dear Maestra,


Tagasubaybay ako ng column n’yo at ito ang unang tinitingnan ko ‘pag bumibili ako ng Bulgar.


Nais kong magpaanalisa ng panaginip ko na gutom na gutom ako kaya naghanap ako ng makakain sa kusina namin. May nakita akong honey sa lamesa kaya agad kong binuksan ang bote at tinikman ito. Nasarapan ako kahit sobrang tamis ng honey.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Flora



Sa iyo, Flora,


Kabaligtaran ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na gutom na gutom ka. Ito ay nangangahulugan na pararangalan ka sa inyong lugar at kikilalanin ang iyong nagawa para sa ikauunlad ng inyong barangay. Yayaman ka rin dahil sa iyong talino at kakayahan.


Kung may karelasyon ka sa kasalukuyan, mag-a-abroad muna siya bago kayo magpakasal. Samantala, tungkol naman sa honey na nasa ibabaw ng mesa na siya mong tinikman upang mawala ang gutom mo, nasarapan ka rito kahit sobrang tamis, nangangahulugan ito ng masagana at masayang buhay sa sandaling magpakasal ka na. Habambuhay kayong magsasama ng mapapangasawa mo. Malambing, masipag at maalalahanin siya. Gayundin, susuwertehin kayo sa negosyo at magiging tuloy-tuloy ang inyong pagyaman.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page