Pahiwatig na mag-a-abroad, kaligayahan at traydor na kaibigan
- BULGAR
- Oct 1, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 1, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dexter ng Taguig City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nakatingin ako sa mapa dahil may hinahanap akong lugar. Tapos naisip kong bumaba para mamasyal sa pastulan namin ng kalabaw. Nagsuot ako ng face mask para hindi makasagap ng mikrobyo ru’n. Habang naglalakad, nakasuot din ng face mask ang mga nakakasalubong ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Dexter
Sa iyo, Dexter,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakatingin ka sa mapa at may hinahanap na lugar ay mangingibang-bansa ka. Makakapagtrabaho ka sa abroad at susuwertehin ka ru’n at kikita ng malaki, lalo na kung ang mapa sa panaginip mo ay colored.
Samantala, ang ibig sabihin ng naisipan mong bumaba upang pumunta sa pastulan n’yo ng kalabaw ay nagpapahiwatig ng kaligayahan na malapit mo nang maranasan sa mga darating na araw.
Ang nagsuot ka ng face mask pagpunta mo ru’n para hindi makasagap ng mikrobyo at naka-face mask din ang mga nakakasalubong mo ay nangangahulugan na hindi tapat sa iyo ang ang mga kaibigan mo. Huwag kang masyadong magtiwala sa mga kaibigan, bagkus, pakiramdaman mo sila nang mabuti. Kunwari ay tunay silang kaibigan, ‘yun pala ay pagsasamantalahan lamang ang kabutihang ipinapakita mo sa kanila.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Dear Maestra,
Anu po ibig svhin ng panaginip ku naglalakad kame ng kaybgan ku na babae sa kalsada, ng bigla pu umulan nabasa pu kameng dalawa Peru mahina lamang pu Ang uLan..salamat pu sa tugon..