top of page
Search
  • BULGAR

Pahiwatig na laging binabantayan ng guardian angel

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 22, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Eloisa ng Taguig.


Dear Maestra,


Madalas akong managinip ng mga anghel.


Napanaginipan ko kagabi na marami kong kasamang anghel. Kahapon naman, napanaginipan ko na kinausap ako ng anghel dela guardia ko, tapos nag-advice siya sa akin. Maya-maya ay naging anghel na rin ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Eloisa


Sa iyo, Eloisa,


Ang panaginip mo na marami kang kasamang anghel ay nagpapahiwatig na maliligtas ka sa anumang panganib at kapahamakan. Palaging nakabantay ang mga anghel sa iyo at nakahanda silang sumaklolo sa iyo sa lahat ng sandali.


Samantala, ‘yung kinausap ka ng anghel dela guardia mo, nagpapahiwatig ito na dapat mong sundin agad ang mensahe sa iyo ng naturang anghel. Anuman ang pinagagawa o sinabi niya sa iyo, huwag mo nang ipagpaliban pa, sundin mo na agad.


Tungkol naman sa naging anghel ka rin kagaya nila, ito ay nangangahulugan na may dadaluhan kang hindi inaasahang pagtitipon.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page