Pahiwatig na ibang guy ang makakatuluyan
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 29, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Imelda ng Eastern Samar.
Dear Maestra,
Madalas akong managinip na nag-iisa ako sa isang magandang isla. Maraming berdeng halaman at bulaklak na humahalimuyak.
Kinabukasan, nanaginip ulit ako ng isla, pero pangit ito. Tuyot na tuyot ang mga halaman at wala man lang bulaklak sa paligid. Pati ang mga damo ay hindi na kulay berde, bagkus ay tuyot na rin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Imelda
Sa iyo, Imelda,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa isang isla ka, maganda ang paligid, maraming berdeng halaman at bulaklak na humahalimuyak ay pabago-bago ang isip ng boyfriend mo. Hindi pa siya sure kung ikaw talaga ang mahal niya, pero huwag kang mag-alala dahil may makikilala kang higit sa kanya at mahal na mahal ka. Gayundin, pakakasalan ka niya at magiging masaya ang pagsasama n’yo.
Samantala, ang tuyot na tuyot ang mga halaman at wala man lang bulaklak sa paligid, pati ang damo ay tuyot din, ito ay nagpapahiwatig na ihanda mo ang iyong sarili dahil mawawala na sa iyo ang karelasyon mo sa kasalukuyan. Iiwan ka na niya at matatapos na ang relasyon n’yo, gayundin, tuluyan na kayong hindi magkikita.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments