top of page

Pahiwatig na gumagawa ng paraan ang imahinasyon para gumanda ang buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2020
  • 1 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 22, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Sara na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Napanaginipan ko na nagtatrabaho ako sa malaking kumpanya, tapos boss ako at mabait ako sa mga tauhan. Natuwa sa akin ang may-ari dahil gumanda ang takbo ng kumpanya.


Pero sa totoong buhay, wala naman akong trabaho at mga parents ko lang ang aking inaasahan. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Sara


Sa iyo Sara,


Ang panaginip ay madalas na nagbabalita kung ano ang magaganap sa hinaharap. Kaya malinaw na malinaw, mamasukan ka at magiging boss ka. Tulad ng nangyari sa iyong panaginip, gaganda ang takbo ng mapapasukan mong negosyo.


Nangyayari ang ganito kapag sa sobrang haba ng panahon na walang trabaho ang isang tao, gumagana ang kanyang imahinasyon kung saan ang laman nito ay paraan upang pagandahin kanyang ang kapalaran.


Kaya kapag nabigyan siya ng pagkakataon, isasabuhay niya ang lahat ng nabuong magagandang susi ng tagumpay na mula sa kanyang imahinasyon.


Sa iba, ang kawalan ng trabaho sa mahabang panahon ay nagreresulta sa mas lalo pang paghihirap dahil ang namumuno sa kanilang puso ay galit at sama ng loob sa mundo.


Kaya mapalad ka dahil hindi ka naging negatibo. Bagkus, lalo ka pang naging positibo ngayon kahit ikaw ay walang trabaho at umaasa lang sa iyong mga magulang.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page