top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagtutol ng misis sa pag-a-abroad, wa’ ‘wenta dahil matutuloy

BULGAR
Jul 26, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | July 26, 2022



KATANUNGAN

  1. Nagtatrabaho ako sa isang magandang kumpanya, pero kasalukuyan silang nagbabawas ng tao at parang isa ako sa maaaring matanggal. Dahil dito, balak kong mag-apply sa Canada, pero ang problema, ayaw akong payagan ng misis ko dahil mahirap na maghiwa-hiwalay kaming pamilya. Pero sinabi ko naman sa kanya na kapag nandu’n na ako ay kukuhanin ko naman sila.

  2. High school graduate ang misis ko at wala naman siyang skills para isabay ko siya sa aking pag-a-apply. Maestro, sa bandang huli ba ay mapapaliwanagan at makukumbinsi ko ang aking misis sa binabalak kong pag-a-apply sa Canada, tutal ay gagawin ko naman ito para sa magandang kinabukasan ng aming pamilya?

  3. Kung sakaling matuloy ako, susuwertehin at magiging maganda ba ang buhay namin sa Canada?


KASAGUTAN


  1. Kahit hindi pumayag ang iyong misis sa binabalak mong pangingibang-bansa, wala naman siyang magagawa, sapagkat sadyang napakalawak, napakaganda at napakalinaw ng Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sigurado na darating sa iyong karanasan ang makapanirahan at makapagtrabaho ka sa ibang bansa, harangan man ng sibat o kumontra man ang iyong asawa. Sapagkat ‘yun ay mga pangyayari sa buhay mo na sadyang itinakda bago ka pa isilang. Kaya masasabi ring ito ang tamang panahon o pagkakataon upang mag-apply ka dahil ang taong 2022 hanggang 2023 ay magiging paborable sa iyong kapalaran at tadhana.

  3. Ang pag-aanalisang makakapag-abroad ka at walang magagawa si misis kundi ang payagan ka ay madali namang kinumpirma ng lagda mong bukod sa maayos at maganda ang pagkakasulat, ito ay kusang umaangat. Ito ay indikasyon na sa kasalukuyan ay nasasagap na ng unconscious self mo ang posibleng mangyari – masasakay ka ng eroplano, makakapagtrabaho sa ibang bansa at sa bandang huli, ru’n ka na rin tuluyang uunlad, makakapanirahan, sasagana at habambuhay na magiging maligaya.


DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Nonilo, nakatakda na ang mangyari. Ang nasabing pag-a-abroad ay magaganap sa taon ding ito ng 2022 o sa second quarter ng taong 2023 at sa edad mong 37 pataas. Ang naturang pangingibang-bansa ay magdudulot sa iyo at sa buong pamilya ng maunlad at maligayang pamumuhay sa bansang Canada.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page