top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagtunton sa mga dapat bantayan kontra-Omicron pahirapan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2021
1 min read

@Editorial | December 09, 2021



Hirap ang gobyerno na hanapin ang iba pang biyahero mula sa South Africa na pumasok ng ‘Pinas.


Ito ay dahil umano sa kulang o maling impormasyon na kanilang ibinigay.

Hinahanap ang mga ito matapos madiskubre ang Omicron variant ng COVID-19 sa South Africa.


May iba sa kanila na sa halip na personal na numero ng telepono, number ng kanilang ahensiya ang ibinigay na wala namang sumasagot.


Habang meron namang hindi nagbigay ng kompletong address.


Kaya patuloy na nakikipag-ugnayan ang Department of Health sa mga lokal na pamahalaan at Bureau of Quarantine upang mapabilis ang paghahanap sa mga ito.


Ito ang problema sa contact tracing. Marami pa rin ang hindi nauunawaan ang kahalagahan ng pinipirmahang form o ibinibigay na impormasyon sa ahensiya o establisimyento.


May mga ginagawang joke o basta lang sinusulatan ang papel.


Paano nga naman matutunton ang tao na ang inilalagay na pangalan ay isang character sa pelikula o lugar na hindi naman nag-e-exist?


Meron ngang inilalagay ang tama at totoong impormasyon, ang hirap namang maintindihan ng sulat.


Sayang ang papel at ballpen.


Kung hindi seseryosohin ang ganitong sistema, mas mainam pang huwag na lang ipatupad.


Malaking tulong sana, kung talagang maayos itong nagagawa dahil mas mabilis ang aksiyon at paghahanda. Mas mapipigilan ang pagkalat ng virus at tuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng nagkakasakit.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page