top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagtatayo ng vaccine plant sa ‘Pinas, pinag-uusapan na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 11, 2020
  • 2 min read

ni Lolet Abania | October 11, 2020




Masinsinang tinatalakay ng mga opisyal ng Pilipinas at Russia ang katiyakang magkakaroon ang bansa ng COVID-19 vaccines ng Russia sakaling aprubado na ito, kasabay ng posibleng pagtatayo ng isang vaccine plant sa bansa.


Inaasahan na ng mga opisyal ang maaaring pagkaantala ng distribusyon ng bakuna dahil sa maraming nangangailangan ng nasabing gamot.


Ito ang pinag-usapan nang husto nina Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez at Russian Ambassador na si Igor Khovaev sa naganap na courtesy call ng huli.


“Gusto nating magkaroon ng ganito, ‘no, because this will provide us with that advantage, ‘no? Hindi lang dito sa pandemyang ito, but you know, in the coming years na magkakaroon tayo ulit ng mga pangangailangan na ganito,” paliwanag naman ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire.


Isa sa mga estratehiya ng pamahalaan ang partisipasyon sa mga clinical trials upang matiyak na makaka-access sa COVID-19 vaccines ang bansa.


Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), ang probisyon na payagang mag-manufacture ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas ay kinakailangan dahil nakapaloob ito sa naging bilateral agreements sa iba pang mga bansa. Gayundin, ang paghingi ng permiso ng mga vaccine developers na magsagawa ng phase 3 clinical trials sa bansa tulad ng Gamaleya Research Institute of Russia, ang nagdedebelop ng Sputnik V, ang Janssen Pharmaceuticals at ang Sinovac Biotech ng China.


Bukod pa rito, apat na iba pang vaccine developers ang pumirma at nakipagkasundo sa isang confidentiality agreement na papayagan ang mga vaccine experts panel ng bansa na suriin ang mga resulta ng kanilang phase 1 at phase 2 trials.


Samantala, patuloy na minomonitor ng DOH ang advisory ng World Health Organization (WHO) sa nasimulang solidarity trials ng nasabing bakuna.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page