top of page

Pagtaas ng VAT sa 2026, fake news — DOF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26
  • 1 min read

by Info @News | October 26, 2025



VATax

Photo: File



Nilinaw ng Department of Finance (DOF) na hindi totoo ang mga ulat ng umano’y plano ng kanilang ahensya na magtaas ng Value Added Tax (VAT) sa susunod na taon.


Ayon sa DOF, walang idadagdag na buwis para sa taumbayan at nakatutok umano ang kanilang ahensya sa pagpapalakas ng koleksyon ng pondo sa pamamagitan ng digitalization, mas mahigpit na tax enforcement, at pagsasara ng mga butas sa tax system sa bansa.


Iginiit din nila na mas binibigyang pansin umano nila ang non-tax revenues sa pamamagitan ng mas mataas na dividend contributions mula sa mga Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) at privatization ng ilang government assets.


Kasabay nito ay tiniyak din nila na sapat ang pondo ng pamahalaan at nasa tamang direksyon ang kanilang ahensya para pondohan ang kanilang mga programa.


Nanawagan din ang DOF sa mga opisyal tulad ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na maging responsable sa pagbabahagi ng mga impormasyon at iwasan ang pagkalat ng fake news.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page