top of page
Search
  • BULGAR

Pagsagot sa contact tracing, seryosohin!

@Editorial | January 16, 2021



Mas hihigpitan pa ang contact tracing sa bansa kasunod ng ulat na natukoy na nasa Pilipinas na nga ang bagong variant ng COVID-19.


Ito ay matapos ianunsiyo nitong linggo ng Department of Health ang unang pasyente ng COVID-19 variant sa bansa: isang Pinoy na galing Dubai.


Kaya naman, agad na inihayag ng Malacañang na kailangang mas higpitan pa ang contact tracing protocols sa bansa upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing bagong virus.


Sa contact tracing, bago pumasok sa mga establisimyento o makasakay sa mga pampublikong transportasyon ang mamamayan ay kailangang magbigay ng impormasyon o contact details.


Hindi pa man natatapos ang pandemya, heto nga’t meron na namang bagong variant na dapat paghandaan.


Kaya’t hiling natin na sana ay seryosohin at ‘wag pasaway — ‘yung tipong magsusulat din naman ay hindi pa ilalagay ang tunay na impormasyon. Simpleng ‘effort’ lamang ito pero malaki ang maitutulong.


Hindi biro ang pinagdaan nating lahat sa COVID-19, kaya’t sumunod na lang. Sa ganitong pagkakataon, mahalagang makipagtulungan ang bawat isa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page