top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagpapatrol sa gabi at checkpoints ng PNP, paigtingin pa

BULGAR
Sep 5, 2022
1 min read

@Editorial | September 5, 2022


Ayon sa Philippine National Police (PNP), mula July 1 hanggang August 31 ay umabot na sa 149 ang naitalang kaso kaugnay sa pang-aabuso o krimen, kung saan mga babaeng estudyante ang nabibiktima.


Sa nasabing record ng PNP, mayorya nito'y kasong rape sa Metro Manila.


Pero sa kabila nito'y hirit ng PNP ay huwag umanong mag-panic ang publiko, partikular ang mga magulang.


Sa totoo lang, sa kaliwa't kanang police report ng mga nawawalang indibidwal, normal lamang sa kahit sinong magulang ang hindi kakalma, lalo pa't face-to-face classes ang sistema natin ngayon. Ang mga estudyante ay malayang nakalalabas, na siya ring pagkakataong ginagamit ng masasamang loob para makapambiktima.


Kaya naman, bilang mga tagapagpatupad ng kapayapaan, pagkakataon ito kung saan dapat doble o kung puwede sana’y triple ang gawing pagbabantay ng kapulisan.


Tipong, baka puwede nilang dalasan ang pagpa-patrol, lalo na sa gabi? Palagi rin sanang may checkpoint sa bawat lugar.


Bukod sa stats o bilang ng mga krimen at paulit-ulit na payong maging vigilant sa paligid, pagtatrabaho ng husto ang puwede pang ibigay ng kapulisan sa ating mga kababayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page