Pagpapatawad at pagmamahal, dapat pairalin ng misis na ipinagpalit sa kabit

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 5, 2020
Dear Maestro,
Naghiwalay kami ng mister ko dahil nambabae siya, kaya noong nakaraang buwan, umuwi siya rito at nakikiusap. Ang sabi niya, iniwan niya na ang babae niya kaya magbalikan na kami at buuin na namin ang aming pamiya, pero nawala na ang pagmamahal ko sa kanya at inis na lang ang natira sa puso ko.
Ang problema, sabi ng mga anak ko, tanggapin ko ang tatay nila dahil magpa-Pasko na at parang mabait at hindi na ulit mambabae. Ano ang gagawin ko, parang ayaw ko na talaga dahil nadala na ako sa ginawa niya sa akin na panloloko at pambababoy? July 7, 1982 ang birthday ko at October 29, 1970 naman ang mister ko.
Umaasa,
Mrs. Cancer ng Layunan, Binangona, Rizal
Dear Mrs. Cancer,
Tunay ngang nakatutuwang isipin at makita na sadyang compatible ang zodiac sign mong Cancer sa zodiac sign na Scorpio ng mister mo kung saan tunay ngang ang Cancer at Scorpio ay kapwa may iisang elementong tinataglay – ang elementong tubig o water. Kaya kahit ano pa ang nangyari noong mga nagdaang panahon dahil sa pambababaeng ginawa ni msiter, malaki ang posibilidad at tsansa na magkabalikan kayo at muling mabuo ang inyong pamilya.
Habang sa Numerology na pag-aanalisa, tulad sa zodiac sign o Astrology ay halos ganundin kung saan ang ang birth date mong 7 ay sadyang tugma at compatible sa birth date ng mister mo na 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2). Nangyari dahil ang birth date na 7 at 2 ay kapwa pinaghaharian ng planetang Moon-Neptune, na sadyang compatible at tugma ring magsama habambuhay.
Ibig sabihin, kung bibigyan mo ng isa pang pagkakataon ang iyong mister at muli mong tatanggapin bilang iyong asawa, hindi imposibleng mabuo at maging maligaya muli ang inyong pamilya. Gayundin, posibleng bumalik ang pagmamahal at amor mo sa kanya, basta ang mahalaga sa kasalukuyan ay matututo kang magpatawad.
Sa pagpapatawad at diwa ng pagmamahal sa iyong mga anak, ngayong nalalapit na Pasko, muli mong buhayin ang pag-ibig sa iyong puso upang maganap ang nakatakda na muling mabubuo at magiging maligaya ang inyong pamilya.




Comments