top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagpaparehistro extended, magsipila na para makaboto

BULGAR
Sep 30, 2021
1 min read

@Editorial | September 30, 2021


Pinalawig na ng Commission on Elections (Comelec) hanggang Oktubre 31 ang voter registration period, matapos itong ipanawagan dahil sa mga pagkaantala at limitasyong dulot ng pandemya.


Ayon sa tagapagsalita, nagkaroon ng unanimous vote ang Comelec en banc tungkol dito.

Gayunman, suspendido muna ang pagpaparehistro mula Oktubre 1 hanggang 8 upang bigyang-daan ang filing ng certificates of candidacy (CoC) ng mga tatakbo sa paparating na halalan.

Una nang tumanggi ang poll body sa panawagang palawigin ang registration dahil makaaapekto umano ito sa paghahanda sa halalan.


Sadyang pinipilahan magdamag ng mga nais magparehistro ang mga Comelec office, maging ang mga satellite voter registration site at marami pa talaga ang inaasahang hahabol.


Kaya ngayong may extension na ibinigay, tiyak na daragsain pa rin ng mga gustong bumoto, palaging magbaon ng mahabang pasensiya at siyempre dalhin ang mga panlaban sa COVID, ang facemask, face shield at alcohol. Palaging bantayan ang physical distancing at iwasang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.


Napakahalaga ng pagboto, hindi lang ito karapatan, maituturing din itong gampanin bilang mamamayan.

Nasa ating mga kamay ang kapangyarihan sa pagtatalaga ng ating mga kinatawan. Silang mga lider na mangunguna sa atin tungo sa mga pagbabago at pagbangon mula sa mga krisis na nangyayari.


Huwag nang hintayin ang huling araw, sa muling pagbubukas ng pagpaparehistro, lumabas na at makiisa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page