Pagpapaliban sa BSKE, pag-aralang mabuti
- BULGAR

- 5 days ago
- 1 min read
by Info @Editorial | April 19, 2026

Ilang buwan bago ang inaasahang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) tila may pahiwatig na naman ng pagpapaliban.
Ito ay matapos sabihin ng Palasyo na bukas umano ang administrasyon sa panukalang postponement kung ito ay makakabuti. Sinasabing aabot sa P16 bilyon ang maaaring matipid ng pamahalaan 'pag hindi natuloy ang inaasahang eleksyon sa Nobyembre.
Ibig sabihin sakaling maaprubahan ang BSKE postponement, extended na naman sa pwesto ang matitino at pati pasaway na mga opisyal sa barangay.
Batid naman natin na hindi lahat ng kapitan at iba pang kinatawan ay tapat at responsable sa tungkulin. Hindi maitatanggi na bukod sa kapalpakan, laganap din ang korupsiyon sa ilang barangay.
Kaya umaasa tayo na mapag-aaralan munang mabuti ang pagpapaliban sa BSKE. At kung tuluyang 'di matuloy, sana naman ay magawan ng paraan na matanggal na sa puwesto ang mga pasaway.
Aminin natin, mas lumalala ang kahirapan dahil sa mga lider na walang kakayahang mamuno at higit sa lahat, walang puso sa tunay na serbisyo-publiko.


Comments