top of page
Search
  • BULGAR

Pagpapa-under, daan upang umunlad at habambuhay na lumigaya

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | April 30, 2024



Dear Maestro, 


Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung compatible kami ng misis ko at kung may pag-asa pa bang guminhawa ang aming buhay? Kung mayroon pa, sa paanong paraan naman kami giginhawa? Isa akong security guard habang ang misis ko naman ay insurance agent.


Sinubukan ko na ring mag-apply sa abroad, subalit hindi ako natuloy dahil nabiktima ako ng illegal recruiter. Samantalang ‘yung mga kasamahan ko ay nakaalis na. 


Maestro, wala ba talaga akong suwerte sa pangingibang-bansa, pero kung mayroon, kailan naman kaya? Sa ngayon, sapat lang sa pangangailangan ng aking pamilya ang aming pera, madalas nga ay kinakapos pa. Kaya hindi ko rin malaman kung ano ba ang dapat kong gawin upang umunlad ang buhay namin. Sana matulungan n’yo kami. August 28, 1982 ang birthday ko habang June 8, 1985 naman ang birthday ng misis ko.


Umaasa,

Nathan ng Capri, Novaliches, Quezon City



 

 

Dear Nathan,


Bagama’t kapwa kayo nagtataglay ng strong number ng misis mo, strong number kasi ang birth date mong 28 na may sumatotal na 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1) at birth date ng misis mo na 8, kaya sinasabing magka-compatible kayo. 


Ang kailangan lang, may isa sa inyo na magpakumbaba o magpa-under sa kagustuhan ng isang panig. At sa kaso n’yo, ikaw na may birth date na 28 ang dapat magpasakop sa iyong asawa at kapag nagawa mo ‘yan, unti-unti na kayong uunlad at habambuhay na lumigaya.


At tulad ng nasabi na, tunay ngang sa Numerology ay sinasabing compatible rin ang parehong strong number — basta’t may magpapa-under o magpapakumbaba, at hindi dapat palaging nagpapagalingan ang nasabing mag-asawa. 


Samantala pagdating sa Astrology, compatible rin kayo ng iyong misis dahil ang zodiac sign mong Virgo ay under ng planetang Mercury, habang ang Gemini na zodiac sign ni misis ay nagkataong Mercury din ang ruling planet. Ibig sabihin, dalawang bagay lang ang ikakayaman ng inyong pamilya, kung hindi sa pag-a-abroad, tiyak na ito ay sa pagnenegosyo. 


Bukod sa kulay na dilaw at berde, mapalad din kayo sa mga kulay na gray, puti at silver. 

Ang alahas na silver at iba pang kasangkapan ng silver, lalo na’t medyo luma o antigo na ang kusang hihigop ng magandang kapalaran habang ito’y inyong ginagamit. 


Bukod sa silver, maganda ring pandispley para sa inyo ang pendulum o dalawang nakabalanseng bakal na kapag nasaling ay walang tigil sa pag-ikot at pagkilos. Suwerte sa inyo ang pandispley na nabanggit, lalo na kung ang kanyang yari o kulay stainless, aluminum, o powder blue o metallic blue. Sa nasabing pandispley, tulad ng nasabi na, tuluy-tuloy na hihigupin nito sa inyong tahanan ang magaganda at hitik na suwerteng kapalaran. 


Kaya para umunlad ang buhay, anuman ang plano ni misis sa inyong kabuhayan, sumunod ka lang nang sumunod upang pagsapit ng taong 2027, sa edad mong 45 pataas habang 42 naman si misis, magsisimula na kayong umunlad nang umunlad hanggang sa tuluyang yumaman.



Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page