top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagod na raw sa German sausage, Catriona… HIRIT NG EX NI CLINT: AYOKO SA BALIW!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2020
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 20, 2020




Sumasabay sa ingay ng isinasagawang noise barrage ng mga Kapamilya stars, employees and executives ang isyu tungkol kina Clint Bondad, Sam Milby and Miss Universe 2018 Catriona Gray.


Actually, si Clint ang nagpasimula ng isyu sa nananahimik na sina Sam at Catriona. May "pa-challenge" effect pa siya sa umpisa, hanggang sa nagkasanga-sanga na ang ibinabatong tsika kay Sam. And recently, si Catriona naman ang target ng "exposé" diumano ni Clint sa kanyang ex-girlfriend.


Pero ang latest news now, may reliable source ang nagsasabi na ang tunay na dahilan ng hiwalayan ay dahil may ibang karelasyon si Clint na isang mayamang babae. Nabuking daw ni Catriona na nakikipag-date si Clint sa ibang babae.


And not just a typical woman, sabi ng source. Apparently, Clint supposedly got involved with rich women. He wanted money from them, the source alleged.


May isang documentary story daw na lumabas na pinatotohanan ang alleged relationship ni Clint sa isang transwoman na nagngangalang Anne Jakrajutatip.


In October, 2019, ang Thai transwoman na si Anne na isang CEO of JKN Global Media, was rumored to be with Clint. Later on, the formidable Thai exec had to dismiss the rumors that she and Clint were dating.


That same month, Clint had also made a cryptic Instagram post wherein he referred to ladies who "tell your boy or man or boy toy that you want a break."


Nu'ng ipinost daw ito ni Clint, in-assume ng mga nakabasa na ang tinutukoy niya sa kanyang post ay si Catriona. May tsika kasi that time na may nakakita raw kay Catriona na kasama ang De La Salle University basketball player na si Jordan Bartlett.


May mga nagsasabi na maybe it's about time na tigilan na ni Clint ang pagtago sa tunay niyang pagkatao. Parang duda ng ilan, his mental health is unstable. Ito raw marahil ang dahilan kaya niya ginugulo si Catriona, pati na ang nananahimik na si Sam.


Sabi ng iba, dapat mag-seek ng professional help si Clint as soon as possible.


Duda rin ng marami na maaaring may kinalaman si Clint sa nababalitang pagkalat ng topless photo diumano ni Catriona.


Pero maagap naman ang management ni Catriona sa bagay na ito. Agad na naglabas ang abogado ng management ni Catriona na si Atty. Joji Alonso ng babala sa sinumang maglalabas ng diumano'y topless photo ni Catriona.


Ang nilalaman ng statement ni Atty. Alonso, "We want to inform the public that the PHOTO IS FAKE and DIGITALLY ALTERED.


"We are actively coordinating with authorities to hold accountable whoever is behind this scheme and face penal sanctions accordingly. We will likewise take legal action against those involved in the manufacture and publication of said photo.


"We strongly denounce this viscious attempt to tarnish the good name of Ms. Gray.


"At a time when fake news is prevalent, we firmly urge the public to be discerning and critical of what they see and share on social media."


Samantala, idinaan sa social media ng nabalitang dating karelasyon daw ni Clint na transwoman na si Anne ang kanyang mga saloobin sa ex-boyfriend ni Catriona.


Sa kanyang Instagram account, may ipinost si Anne tungkol sa lalaking psychopath.


"I don't want a man who is a PSYCHOPATH in my life. I'm tired of German sausage," IG post ni Anne.


At sa kanyang Facebook account, eto naman ang ipinost ni Anne, "I will clean up your dirty secrets now."


Hala!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page