top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pagluluwag sa PUVs, non-stop

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2020
1 min read

Updated: Oct 21, 2020

@Editorial | October 20, 2020



Kasisimula pa lang ng panibagong pagluluwag sa mga public utility vehicles (PUVs),

ngayon ay pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na

madagdagan pa ang passenger capacity sa susunod na dalawang linggo.


Matapos na iakyat sa 30 porsiyento ang passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan simula kahapon, posibleng itaas pa ang bilang na ito sa 40% hanggang 50% percent sa susunod na dalawang linggo.


Depende umano sa guidance ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa mga susunod na araw at kung walang magiging problema sa gradual increase sa passenger capacity.


Samantala, patuloy umano ang pakikipag-ugnayan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga lokal na pamahalaan para sa biyahe ng mga provincial bus papasok at palabas ng Metro Manila. Matatandaang, iilang probinsiya pa lang ang nagpahayag ng kanilang approval para sa pagbubukas ng kanilang borders dahil pa rin sa banta ng COVID-19.


Marahil ay panahon na nga para lumabas at bumawi sa mga nawala dulot ng pandemya.


Gayunman, kasabay nito ay ang pagsunod sa mga panuntunan na tinaguriang “7

commandments” sa ilalim ng new normal — magsuot ng face mask at face shield; bawal ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono; bawal kumain; kailangang may sapat na ventilation; kailangang may frequent disinfection; bawal magsakay ng symptomatic passenger at sumunod sa appropriate physical distancing.


Kung lahat ng ito ay istriktong ipinatutupad at sinusunod, sa palagay natin, kahit paano ay may laban tayo sa pagkalat ng virus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page