top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Paglilinis sa listahan ng 4Ps, tama lang

BULGAR
Jul 4, 2022
1 min read

@Editorial | July 4, 2022


Sa wakas dumating din ang pagkakataon na tuluyan nang malinis ang listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Matagal na itong ipinapanawagan sa gobyerno dahil wala na sa ayos ang pagpili at pananatili ng mga benepisaryo.


Marami nang reklamo ang naglalabasan kaugnay sa mga tumatanggap ng ayuda na hindi naman o hindi na karapat-dapat.


May ilang benepisaryo ang naka-graduate na mula sa naturang programa ngunit hindi pa rin ibinabalik ang kanilang accounts at patuloy na nakatatanggap ng ayuda. Meron ding sa halip na ilaan sa pangangailangan ng pamilya ang natatanggap na tulong ay nilulustay pa sa masamang gawain.


Kaya malaking bagay ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tanggalin sa listahan ng 4Ps ang mga hindi na kuwalipikado para tumanggap ng cash grants mula sa gobyerno.


At upang maipatupad ang kautusan ng Pangulo, ayon sa kalihim ng DSWD, sa susunod na ilang linggo ay maglalabas panawagan para sa mga hindi kuwalipikadong benepisaryo ng 4Ps na isuko na ang kanilang mga account sa loob ng 30 o 60 araw o mahaharap sa mga kaso.


Balak ding magpatupad ng reward system kung saan mabibigyan ng pabuya ang isang informer kung maituturo niya kung sino sa kanilang mga komunidad ang dapat tanggalin sa listahan ng 4Ps.


Kaya sa mga hindi na qualified sa ayuda, unahan n'yo na ng hiya at isurender na ang account bago pa makasuhan at mapahiya.


Bigyan natin ng pagkakataon ang mga higit na nangangailangan, huwag sugapa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page