top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagkalat ng COVID sa F2F classes, 'wag ismolin

BULGAR
Sep 26, 2022
1 min read

@Editorial | September 26, 2022


Sa nagpapatuloy na face-to-face classes, inihayag ng Department of Education (DepEd) na kanila nang inaasahan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga guro at estudyante.


Tulad sa mga establisimyento at opisina, sadyang hindi maiiwasan ang pagkakahawaan.


Kaugnay nito, tiniyak naman ng kagawaran na patuloy ang ginagawa nilang monitoring kung naipatutupad ang obserbasyon ng minimum public health standards.


Matatandaang may mga guro at ilang estudyante na ang nakaranas ng sintomas ng COVID mula nang simulan ang F2F classes.


Bagama't mahirap na maiwasan ang pagkalat ng virus, mainam pa rin na mag-ingat. Kailangang magtulungan ang mga guro, estudyante at magulang na maging disiplinado at responsable sa kilos. Dapat kabisado na natin ang mga panuntunan laban sa COVID at higit sa lahat, palaging handa ang katawan.


Anumang sakit ang nasa paligid, kapag malakas ang resistensya, kahit paano ay may laban tayo. Lalo na ngayong binabagyo na naman ang bansa, mas lantad tayo sa pagkakasakit, dapat na mag-ingat at mas magpalakas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page