Pagkain at paghuli ng marmots sa Russia, ipinagbawal na
- BULGAR

- Jul 8, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 7, 2020

Nagbabala ang awtoridad ng Russia sa mga lugar ng kanilang bansa na nasa border ng Mongolia na huwag manghuli o kumain ng mga marmots kaugnay ng bubonic plague outbreak.
Ayon sa Russian state media agency, dalawa na ang may hinihinalang kaso ng bubonic plague sa Khovd province sa western Mongolia.
Tinatayang aabot sa 50 million katao sa Europe ang namatay dahil sa bubonic plague na tinawag ding Black Death pandemic noong Middle Ages.
Nagsagawa na rin ng pagsusuri ang Mongolia's National Center for Zoonotic Diseases sa 146 katao na nagkaroon ng direct contact sa mga infected ng sakit na ito.
Nagsagawa na rin ng travel restrictions ang mga awtoridad ng Mongolia upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.





Comments