top of page

Paghahatid ng tulong sa Surigao City, pahirapan pa rin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 21, 2021
  • 1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | December 21, 2021



Pahirapan ang paghahatid ng tulong sa Surigao City dahil hindi pa fully operational ang paliparan sa lungsod matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.


Ayon sa ilang pribadong grupo, nag-iimbak na sila ng relief goods sa Butuan City para maipahatid ito sa Surigao City.


Libo-libong residente ang apektado ng bagyo, kabilang ang mga magsasaka at mangingisda na hanggang ngayon ay nag-aabang ng tulong dahil hindi alam kung paanong muling magsisimula.


Winasak din ng bagyo ang mga pananim habang nasira naman ang mga bangka matapos hampasin ng malalakas na alon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page