top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Paghahatid ng hustisya, panahon na para makasabay sa teknolohiya

BULGAR
Sep 14, 2022
1 min read

@Editorial | September 14, 2022


Aprub ang bago at napapanahong programa ng Korte Suprema.


Kaugnay ito ng real-time na paghahatid ng hustisya para sa mga Pilipino.


Ang real-time na hustisya ay hindi lamang patas, transparent, accountable, at inclusive, ito rin ay may kakayahang sumabay sa mga pagbabago sa teknolohiya.


Binubuo na ng “Virtual Hearings and Electronic Testimony Committee” ng Korte Suprema ang mga magiging panuntunan para maging tuluy-tuloy na ang mga pagdinig ng kaso sa pamamagitan ng videoconferencing kahit pa matapos ang pandemya.


Sa pamamagitan ng videoconferencing, hindi na masyadong gagastos, makakatipid pa sa oras, lalo na ang mga nasa malalayong probinsya. Sa pamamagitan nito, mas mapabibilis at mas mapaghuhusay pa ang mga legal na serbisyo para sa lahat.


Ang mga kababayang Muslim at ang mga tinatawag na “refugee” at “stateless person” ay sinisiguro rin ng Hudikatura na magkakaroon ng “access” hindi lang sa impormasyon kundi maging sa mga pinaghusay pang “legal aid initiatives” nito.


Masasabing isa ito sa magagandang pagbabago sa kabila pandemya dulot ng COVID-19. Natuto tayong tanggapin ang mahirap na sitwasyon at nakagawa tayo ng paraan kung paano makakasabay sa kinahaharap na mga hamon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page