top of page
Search

Paggamit sa partylist, tigilan na

BULGAR

by Info @Editorial | August 23, 2024


Editorial

Isang partylist ang hindi pinagbigyan ng Commission on Elections (Comelec) ang aplikasyon na makasali sa 2025 Midterm Elections bilang partylist. 


Sa desisyon ng En Banc, hindi nakapagpakita ng matibay na ebidensya ang grupo para kumatawan sa anumang uri ng sectoral. 


Nabigo umano ang grupo na patunayan kung anong grupo ang kanilang irerepresenta sa Kongreso. 


Nagpaalala naman ang Comelec na magiging mahigpit ang komisyon sa pagsala sa mga aplikasyon sa partylist. 


Kapansin-pansin na maraming aplikasyon na isinusunod lamang sa mga sikat na TV show ang pangalan ng partylist pero hindi naman talaga kumakatawan sa tunay na representasyon.  


Minsan na ring nabulgar na ang mga nasa likod pala ng ibang partylist ay mga pulitiko rin at mayayaman. Ginagamit ang pagkakataon upang makakuha ng puwesto sa gobyerno para sa pansariling interes.


Kaya tuloy may mga panawagan na kung hindi magiging malinis at tapat, buwagin na lang ang partylist.


Hamon sa Comelec, bukod sa pagpigil sa mga nag-aambisyon sa Kongreso, silipin din ang mga kasalukuyang partylist. Alamin kung sila ba ay talagang kumakatawan sa sinasabing sektor o baka hayahay lang sa kapangyarihan at karangyaan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page