top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagdadamayan, talagang likas sa mga Pinoy

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2021
1 min read

@Editorial | December 28, 2021



Nagpaabot ng tulong ang mga ‘Yolanda’ survivors sa mga nasalanta ni Bagyong Odette.


Sadyang likas sa ating mga Pinoy ang pagdadamayan.


‘Ika nga, walang higit na nakakaalam sa pakiramdam ng mga grabeng napinsala ng bagyo kundi ang mga mismong nakaranas din ng hagupit nito.


Nawasak ang mga tahanan, ubos ang kabuhayan at ang masaklap, may mga mahal sa buhay pa na nasawi.


Kaya napakalaking tulong ng pagdamay, lalo na sa panahon na ang inaasahang sitwasyon ay puno ng kasiyahan at pag-asa.


Maaaring hindi sapat, pero malaking bagay pa rin na maiparamdam sa kanila na may nagdarasal at handang tumulong sa kanila sa anumang paraan.


Ito ang diwa ng Kapaskuhan — pagbibigayan, pagdadamayan at pagmamahalan.


Hindi matutumbasan ng anumang halaga ang pakiramdam na hindi tayo nag-iisa sa mga laban na ating kinahaharap.


Dumaraan man tayo sa pandemya, krisis o kalamidad, laban lang!


Habang may buhay, may pag-asa at ang bawat araw ay nangangahulugan ng bagong pagkakataon.


Gamitin natin ito para bumawi at mas maging matatag, alang-alang sa pamilya at sa kinabukasan ng ating mga anak.


Maging daan tayo para sa kanilang magandang kinabukasan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page