Pagbibigay ng subsidiya sa mga tsuper kinokonsidera ng Kamara

ni Jasmin Joy Evangelista | October 22, 2021

Kinokonsidera ng House Committee on Transportation ang pagbibigay ng subsidiya sa mga tsuper dahil sa sunod-sunod na oil price hike.
Ayon kay Samar 1st District Rep. Edgar Mary Sarmiento, nakasaad sa Section 82 ng Republic Act 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) na puwedeng tulungan ng pamahalaan ang mga tsuper na apektado sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
"Puwede na po tayo magbigay ng subsidiya. Nangyari na po ito noong 2018 [at] 2019 kung saan binigyan po natin upang pantawid sa kanila muna," aniya sa isang panayam.
Kung maaaprubahan ang subsidiya, possible umanong iatras na ang hirit na dagdag-pasahe ng mga transport groups.
Matatandaang humihiling ng P3 na dagdag sa minimum na pasahe ng jeep ang mga grupo ng tsuper, na kasalukuyang nasa P9.
"Nagkakaintindihan po na huwag muna silang mag-strike, huwag munang humingi ng [dagdag] na pamasahe kasi... mapapasa po ito sa mananakay," ani Sarmiento.





Comments