top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagbebenta ng Ivermectin online, bantayan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 6, 2021
1 min read

@Editorial | April 06, 2021



Bukod sa bakuna, kontrobersiyal din ngayon ang Ivermectin na napaulat na umano’y nakatutulong sa paggaling ng COVID-19 patient.


Kaugnay nito, nagbabala sa publiko si Deputy Speaker for Trade and Industry Rep. Wes Gatchalian laban sa mapang-abusong nagbebenta ng Ivermectin sa internet bilang gamot sa COVID-19.


Bagama’t kinaklasipika ng mga online e-commerce sites ang naturang gamot bilang veterinary drug, hindi malabong mayroong mapagsamantalang indibidwal ang magbebenta nito sa publiko.


Kapansin-pansin aniya na dumami ang mga nagbebenta nito online kasunod ng ulat na nakatutulong ito sa mga pasyente ng COVID-19.


Pero kailangang maintindihan ng mamamayan na ang nasabing gamot ay hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) para inumin ng tao kaya’t maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan.


Ngayong wala pang nailalabas na compassionate special permit ang FDA para sa Ivermectin bilang gamot sa COVID-19, bawal itong gamitin o inumin ng tao.


Sa kasalukuyan, nakarehistro ito bilang anti-parasitic drug para sa mga hayop.


Sa panahon ngayon, nagkalat ang mga nagmamagaling at mapagsamantala, kaya’t ‘wag basta bumili ng gamot hangga’t hindi inireseta ng doktor o hindi pa inaapruba ng mga eksperto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page