top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagbabalik-sigla ng mga negosyo, walang kasiguraduhan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | July 20, 2020



Paano makababalik ang sigla ng negosyo?


Wala pang linaw!


◘◘◘


Limitado ang galaw ng tao sa kalye.


Siyempre, limitado rin ang ikot ng salapi!


◘◘◘


Alin ang mas marami: Ang nagdedeposito sa bangko o ang nagwi-withdraw?


Alin ang mas marami: Ang nakikiusap na huwag munang magbayad ng utang o ang mga nagbabayad?


◘◘◘


Kung limitado ang pasok ng cash sa bangko, paano sisigla ang ekonomiya?


Wala gaanong gross sales!


◘◘◘


Break even na ang kahera—pangkain lang ang habol ng mga mumunting negosyo.


Ang mga nagkakalakas loob na magbukas muli ng negosyo—papasan agad ng malaking utang sa renta, konsumo ng tubig, konsumo ng elektrisidad at pasuweldo sa tauhan!


◘◘◘


Hanggang kailan makakarekober ang ekonomiya.


Sisigla ba o mas lalong gagrabe?


◘◘◘


Sa gobyerno, lihim na umiiyak ang mga LGU executives, simot na ang “cash available”.


Walang nagbabayad ng “permit fee”, walang buwis na nakokolekta.


Saan kukuha ng cash ang mga LGUs?


◘◘◘


Ang mga dambuhalang tusong negosyanteng binabansagang oligarko, magsisibayad ba ‘yan ng buwis o ikakatwiran ang pandemya upang matakasan ang milyong taxes?


Dati nang tuso ang mga ‘yan, sa pandemic, lilitaw ang kanilang balahibo bilang modernong buwitre ng panahon!


◘◘◘


Kung may pagkakataong makatakas sa pagbabayad ng buwis ang mga negosyante, magbabayad pa ba yan?


Kapag hindi nagbayad ng buwis ang mga dambuhalang trader, magbabayad ba ng buwis ang ordinaryong mangangalakal?


Hindi rin!


◘◘◘


Saan kukuha ng cash ang national government kung mistulang may “boycott” sa pagbabayad ng buwis?


Ano ang gagamitin ng gobyerno sa kanilang operation kapag walang laban ang kaban ng bayan?


Naganap ‘yan sa US government at nadispalinghado ang burukrasya!


◘◘◘


Maselan at malagim ang mga magaganap sa susunod na taon at sa 2022—ang taon ng eleksiyon.


Buwenasin pa kaya ang mga maka-Duterte o sila naman ang makatikim ng hampas ng panahon?


‘Ika nga, “Weder-weder lang ‘yan!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page