top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagbabakuna umarangkada na, goodbye COVID-19!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2, 2021
  • 1 min read

@Editorial | March 2, 2021



Umarangkada na kahapon ang opisyal na pagbabakuna sa Pilipinas laban sa COVID-19 gamit ang CoronaVac mula sa Chinese company na Sinovac.


Kauna-unahang naturukan ng awtorisadong bakuna sa bansa si Dr. Gerardo ‘Gap’ Legaspi, direktor ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila kung saan idinaos ang pag-uumpisa ng vaccination program ng gobyerno. Ang PGH nurse na si Chareluck Santos naman ang nagbigay ng bakuna kay Legaspi.


Nakatanggap din ng vials ng bakuna ang V. Luna Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial (Tala) Hospital, Pasig City General Hospital, Philippine National Police General Hospital at Lung Center of the Philippines.


Nauna nang sinabi na target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 50 milyon hanggang 70 milyong Pinoy bago matapos ang taon.


Bagama’t, marami pa rin ang nag-aalinlangan o natatakot na magpabakuna, wala naman tayong ibang hangad kundi ang maging ligtas at epektib ang kabuuan ng pagbabakuna.


Sana’y ito na ang simula ng pagtatapos ng COVID-19 pandemic. Marami na ang nagsakripisyo at mayroon pa ring patuloy na lumalaban.


Ang pagdating ng mga bakuna ay simbolo ng pag-asa na sana’y maipaliwanag sa taumbayan lalo na sa mga nag-aalinlangan at natatakot.


Kung sapat ang impormasyon at nasasagot ang lahat ng tanong, marahil ay mauunawaan din ng publiko ang kahalagahan ng pagbabakuna hindi lang kontra COVID-19 kundi sa lahat ng sakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page