Pagbabakuna sa mga bagets, maging maayos sana
- BULGAR
- Oct 16, 2021
- 1 min read
@Editorial | October 16, 2021
Umarangkada na ang rollout ng COVID-19 vaccines para sa mga edad 12 hanggang 17 na may comorbidity sa mga piling ospital sa Metro Manila.
Sa Pasig City General Hospital, higit 50 batang edad 12 hanggang 17 na may comorbidity ang nabakunahan na kontra-COVID sa Pasig City General Hospital.
Kasama ang nasabing ospital sa 8 piling ospital sa Kamaynilaan na nagbukas ng COVID-19 vaccination para sa mga menor-de-edad.
Kaugnay nito, may mga magulang na sabik na mabakunahan ang anak dahil anila, mas vulnerable ang mga may comorbidity.
Bakuna ng Pfizer ang gamit dahil ito pa lang at ang Moderna ang may emergency use authorization para maiturok sa mga batang 12 hanggang 17 ang edad.
Base sa kinauukulan, wala pang naitatalang side effects sa mga binakunahan kasabay ang pagtiyak na handa silang tugunan sakaling may makaranas ng allergy o malalang side effects.
Umaasa tayong magiging maayos at walang maging problema sa pagbabakuna sa mga bagets.
Paalala lang sa mga magulang at guardian, sundin ang lahat ng panuntunan bago pabakunahan ang anak. Maging tapat sa mga impormasyong ibibigay upang hindi magkaroon ng kalituhan.
At siyempre, hindi lang bakuna kontra-COVID ang dapat na bigyang-pansin kundi maging ang iba pa na proteksyon sa kanilang kalusugan.



Comments