top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagbabakuna sa edad 12-17... DOH, wala pang rekomendasyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20, 2021
  • 2 min read

ni Lolet Abania | September 20, 2021



Wala pang rekomendasyon ang Department of Health (DOH) hinggil sa pagbabakuna ng mga kabataan na nasa edad 12 hanggang 17 kontra-COVID-19.


Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang lahat ng experts group ng ahensiya ay pinag-aaralan pa rin ang tinatawag na safety at equity ng pagbibigay ng naturang anti-virus jabs sa mga menor-de-edad.


“Hanggang ngayon po hindi pa naibibigay ang kumpletong rekomendasyon ng ating all experts, patuloy pa rin hong pinag-aaralan ng ating mga eksperto itong pagbabakuna sa mga bata,” ani Vergeire sa press briefing ngayong Lunes.


“Unang-una, tinitingnan po nila ‘yung safety side at pangalawa tinitingnan nila ‘yung equity side,” wika pa ng kalihim.


Ito ang nilinaw ni Vergeire matapos na isang health official ang nagsabi noong nakaraang linggo na ang experts panel ay nagbigay na ng greenlight sa pagbabakuna ng mga kabataan.


“We’d like to emphasize that she might just be referring to the emergency use authority given to Pfizer and Moderna,” paliwanag ni Vergeire.


Matatandaang inawtorisa na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng parehong bakuna sa mga menor-de-edad sa dahilan na ilan sa mga kabataan ang tinamaan na ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.


“This still has to be supplemented by the recommendation of DOH, based on our experts’ group recommendation,” saad ni Vergeire.


Binigyang-diin naman ni Vergeire na bagama’t maaaring tamaan din ang mga bata ng COVID-19, ang mga adults o matatanda ang nananatiling nasa panganib na mamatay, may severe infection at maospital dahil sa virus.


“Kapag stable na ang suplay natin, saka siguro magkakaroon talaga ng diskusyon about the children’s vaccination,” ani Vergeire.


“... And we would like to assure and to ensure that these vaccines will be safe among our 12 to 17,” dagdag pa ng kalihim.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page