top of page
Search
  • BULGAR

Pagbabakuna, dapat ding ipaunawa sa mga bagets

@Editorial | May 17, 2021



Tuluy-tuloy ang pagdating ng mga bakuna kontra-COVID-19 at marami na rin ang naturukan.


Kaugnay nito, inihahanda na rin ang mga kabataan para maging sila ay maprotektahan laban sa nakamamatay na sakit.


Kaugnay nito, mangangailangan pa umano ng karagdagang P55 bilyon, sakaling planong bakunahan ang mga teenagers at bumili ng mga booster shots laban sa COVID-19.


Ayon kay Department of Finance Sec. Carlos Dominguez, ito ang posibleng magastos kung gagaya ang Pilipinas sa ibang bansa na pati teenagers na nasa edad 12 hanggang 17 ay matuturukan na ng bakuna.


Tinatayang nasa 85 milyong kabataan ang paglalaanan ng nasabing bakuna.


Sa ngayon, mayroong P82.5 bilyong inilaan ang gobyerno para sa pagpapabakuna ng 55 percent ng populasyon kung saan P72.5 bilyon dito ay mula sa multilateral loan at sa national budget.

Para makakuha ng karagdagang pondo sa pagpapabakuna, kailangan ng gobyerno ang pag-reallocate ng pondo.


Kaya ang payo sa mga kabataan, palaging mag-ingat, sumunod sa mga health protocols at maging aktibo sa mga isyu lalo na sa mga may kinalaman sa kinahaharap na pandemya.


Sabi nga nila iba na ang mga kabataan ngayon, masyado nang malawak ang kaalaman dahil sa mga nababasa, naririnig o napapanood lalo na sa social media. Kahit paano ay nagkakaroon na sila ng ideya sa mga nangyayari. Bagay na posibleng maging hamon sa ating gobyerno — kailangang mas maipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng pagbabakuna lalo na’t target din silang maturukan.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page