top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pag-iingat sa mga balota, obligasyon ng bawat isa

BULGAR
Apr 21, 2022
1 min read

@Editorial | April 21, 2022


Umarangkada na ang pagdadala ng mga balota sa iba't ibang lokal na pamahalaan sa bansa.


Mula sa isang warehouse sa Pasig City, ikinarga sa mga container van ang libu-libong balota.


Kasabay nito, tiniyak naman ng Comelec ang seguridad ng mga balota. Kasama nila ang pulisya at ang militar sa loading at sealing ng mga ito.


Didiretso sa mga treasurer’s office ng mga LGUs ang mga balota para doon itago bago dalhin sa mga presinto sa itinakdang araw ng eleksyon o sa Mayo 9.


Ang panalangin naman natin ay walang mangyaring aberya pero kung may problemang 'di maiiwasan, sana'y agad na masolusyunan.


Hangad din natin na walang maging banta sa mga balota mula sa pagdadala sa mga LGUs hanggang sa mismong araw ng halalan. Mapigilan sana ng mga awtoridad ang mga may masamang balak.


Bilang mga mamamayan, obligasyon din natin na mapangalagaan ang mga balota. Ito ang magtatawid ng ating karapatan sa pagpili ng mga lider na karapat-dapat. Dapat tayong maging mapagmatyag, at kung may mapansing kahina-hinalang pangyayari o iregularidad, agad na ipagbigay-alam sa kinauukulan.


Bawat bagay na nakapaloob sa eleksyon ay obligasyon nating ingatan, ito ay para sa kinabukasan ng ating mga anak at ng ating bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page