top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pag-asa ang Bagong Taon, laban lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2021
1 min read

@Editorial | December 30, 2021



Taun-taon man nasusubok ang ating katatagan, mananatili tayong nakatindig at lumalaban.


Sa halos dalawang taong patuloy na pakikipaglaban sa pandemya, marami pa tayong ibang kalbaryo na kasalukuyang kinahaharap at pilit na ipinapapanalo.


Nasa paligid pa rin ang pandemya na walang pasubali’y nagkakaroon pa ng ‘variant’, hindi rin mawawala ang pagdating ng mga bagyo, at siyempre, hindi mawawala ang mga personal na problema.


Pero makailang pagdapa man, hindi tayo nauubusan ng dahilan para bumangon.


Isama sana natin sa pang-araw-araw na gawain ang pag-iingat sa sarili, bilang malasakit din sa kapwa.


At sa panibagong taon na ating kakaharapin, maging handa sana ang lahat sa malalaking pagbabago — mula sa lipunan na dulot na pagpapalit ng administrasyon hanggang sa kani-kanyang buhay na pipilitin nating maging mas mabuti kaysa sa mga nagdaang taon.


Batid nating hindi mawawala ang mga hamon sa ating panibagong taon, natural man tayong mapagod, pero tuloy lang sa buhay dahil kailanman ay hindi tayo mauubusan ng dahilan para lumaban.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page