top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Pag-a-abroad, kasunod ng pagpasa sa nursing board exam

  • BULGAR
  • Jun 29, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 29, 2022




KATANUNGAN


  1. Naisipan kong kumonsulta sa inyo dahil balak kong kumuha ng Nursing Board Exam sa susunod na taon. Makakapasa na ba ako, gayundin, suwerte ba sa akin ang taong 2023 para mag-take ng board exam?

  2. Balak ko ring mag-abroad, kaya gusto ko ring malaman kung nasa guhit ba ng aking mga palad na makapangibang-bansa?


KASAGUTAN


  1. Bagama’t may Guhit ng Hadlang o kumrokes na linya (D-D arrow a.), kapansin-pansin pa ring nagpatuloy at ganap na nakatuntong sa Bundok ng Tagumpay, na tinatawag ding Mount of Jupiter (E-E arrow b.) ang malinaw at makapal na Effort Line (E-E arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, na siya ring simbolo ng malaking tagumpay sa larangan ng propesyon ng isang indibidwal.

  2. Ibig sabihin, bagama’t hindi ka nakapasa sa una mong take sa board exam, sigurado namang sa ikalawang pagkakataon, walang hadlang at wala ring duda na maluwalhati ka nang makakapasa upang maging ganap at lisensiyadong nurse.

  3. Ang pag-aanalisa na paglipas ng ilang taon pa, matapos kang makapasa sa Nursing Board Exam ay makapag-a-abroad ka, ay madali namang kinumpirma ng maayos, mahaba at makapal na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na hindi lang pagpasa sa Nursing Board Exam ang darating na suwerte sa iyo sa taong ito. Bagkus, tuloy-tuloy ding gaganda at lalago ang iyong career hanggang sa kusa nang matupad ang ultimate goal o dream mo na magkaroon ng mabunga at masaganang hanapbuhay sa ibayong-dagat.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Upang siguradong makakapasa ka, mas makabubuting sa araw ng exam ay magsuot ka ng mapalad mong kulay na berde o dilaw. Sa ganyang paraan, mas madali mong mahihigop ang suwerte at magagandang kapalaran sa araw ng iyong exam.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Jasmine, sigurado na ang magaganap sa susunod na taong 2023 at sa edad mong 25 pataas—makakapasa ka sa Nursing Board Exam at lilipas ang isa hanggang dalawang taon pa, sa edad mong 28 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa namang itatala sa iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page