top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pag-a-abroad at paghanap ng mayamang mapapangasawa, pagpipilian ng single mom na gustong lumigaya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 11, 2020



Dear Maestro,

Single mom ako for almost three years at may isang anak na babae. Gusto kong mag-asawa muli at magkaroon ng masayang pamilya. Sinu-sino ang mga ka-compatible ko at may pag-asa pa ba na muli akong makapag-asawa at lumigaya, kung mayroon, sa paanong paraan? June 7, 1992 ang birthday ko.

Umaasa,

Bheng ng Santa Lucia, Guimba, Nueva Ecija

Dear Bheng,

Ayon sa birth date mong 7 sa zodiac sign na Gemini at sa destiny number na 5 (6+7+1990=2003/ 20+03=23/ 2+3=5), sadyang napakalaki ng tsansa na ikaw ay muling makapag-asawa at magkaroon ng masaya at panghabambuhay na pamilya, basta ang unang dapat mong gawin ay maglakbay o umalis sa sinilangan mong bayan. Sa ganyang paraan—paglalakbay, pag-a-abroad o paglayo sa lugar kung saan ka lumaki, tiyak ang magaganap, kasabay din ng pagpatak ng ulan sa kapaligiran, uusbong ang bago at mas masayang pag-ibig sa iyong buhay.


Kung ayaw mo namang maglakbay o mag-abroad, ang isa pang solusyon ay pumunta ka sa lugar na may kaugnayan sa business. Halimbawa, mag-apply ka ng trabaho sa rice mill o lugar na puro negosyante ang naroon, tulad sa Binondo, na bentahan ng mga alahas at kung anu-ano pa. Basta isang lugar na maraming nagnenegosyo, kung saan nabanggit ko ‘yung rice mill dahil dito sa bayan namin sa Bulacan, may lugar dito na tinatawag na Intercity kung saan doon dinadala ang halos lahat ng palay sa buong Luzon. Napakaraming rice mill sa Intercity na siya namang gumigiling ng mga palay. Puwede kang mag-apply sa mga rice mill bilang secretary at sa ganu’ng pattern, magugulat ka pa sa ibibigay sa iyo ng langit na napakagandang kapalarang surpresa o gugulat din sa iyong sarili. Sa bandang huli, makapag-aasawa ka ng mayaman, maaaring anak may-ari ng ricemill, may-ari ng rice mill o negosyante ng bigas.


Ang Intercity o lugar na binanggit sa itaas ay halimbawa lamang, maaari rin namang sa ibang lugar na punumpuno ng mayayamang negosyante kung saan doon sa lugar na ‘yun sila nagnenegosyo. Tulad ng nasabi na, kapag napunta ka sa ganu’ng lugar, sigurado ang magaganap, doon ka maliligawan ng mayamang lalaki na sa bandang huli ay ikayayaman mo rin.


Kaya sa edad mong 28, hangga’t hindi ka pa gaanong kinukupasan ng ganda at halimuyak, panahon na upang pumili ka sa dalawang option na binanggit upang magbago ang iyong kapalaran. Una, Mag-abroad o lumayo sa sinilangan mong bayan o magtrabaho sa lugar na maraming mga negosyanteng mayayaman.


Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap sa edad mong 31 pataas, sa 2023, magkaka-direksiyon na ang iyong buhay at ito ay patungo sa malaking pagbabago ng kapalaran, hanggang sa bandang huli ay ikagugulat mo pa ang hindi inaasahan at bigla mong pagyaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page