Padir, isinugod na sa ospital dahil sa COVID-19… JOLO, HUMIHINGI NG DASAL PARA KAY SEN. BONG
- BULGAR

- Aug 20, 2020
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 20, 2020

Matapos ang announcement ni Bacoor Mayor Lani Mercado last Tuesday na isinugod na sa hospital ang asawang si Sen. Bong Revilla, Jr. dahil nagkaroon na raw ito ng pneumonia due to COVID-19, nag-live video ang aktor-pulitiko sa kanyang Facebook account para i-update ang kanyang mga followers sa kanyang kondisyon.
Sa video ay makikitang hindi halos makapagsalita si Sen. Bong dahil sa kauubo and you could see na talagang nahihirapan siya, pero bibilib ka naman sa will power niya dahil pinipilit pa rin niyang makapagsalita to assure everyone na talagang lumalaban siya.
“I’m okay… laban,” ang sambit niya.
“Just pray for me, please,” he also said in between coughs.
Humihingi rin ng dasal ang anak niyang si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla. Isang panalangin ang ipinost niya sa kanyang Instagram para sa kanyang ama.
“Panginoon, Kayo ang aming sandigan at pinagmumulan ng ibayong lakas upang mapagtagumpayan ang pinakamalaking hamon ng aming panahon. Itinataas namin sa Inyo ang aming bansa, at ang lahat ng aming mga kababayan na nagdurusa nang dahil sa COVID-19.
“Sa Inyong banal na dugo, balutin po Ninyo ang aming frontliners upang patuloy nilang gampanan ang kanilang tungkulin nang hindi nalalagay sa alanganin ang kanilang sariling kaligtasan.
“Ipinapanalangin din po namin ang lahat ng indibidwal na kasalukuyang pinahihirapan ng sakit na ito, upang sa agad silang gumaling at bumalik sa piling ng kani-kanilang pamilya.
“Itinataas din po namin sa Inyo ang agarang paggaling ng aking Papa na si Senator Ramon Bong Revilla, Jr.. Lubos po kaming nananampalataya na hindi Ninyo siya pababayaan at tuluyang pagagalingin upang muli namin siyang makapiling, maging ng aming mga kababayan na kanyang pinaglilingkuran.
“Tanging Kayo lamang ang aming Tagapagligtas, kaya patuloy kaming mananampalataya sa Inyo. Malaki man ang hamon na aming kinakaharap dahil sa COVID-19, mas malaki at mas makapangyarihan pa rin ang aming Diyos na Tagapagligtas. Amen,” ang prayer post ni Jolo.
Kasama kami sa mga nagdarasal sa paggaling ni Sen. Bong.





Comments