Pader, simbolo ng hadlang sa relasyon
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 3, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Noynoy ng Bacolod.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na may date kami ng girlfriend ko. Nang dumating ako sa tagpuan namin, nakita ko siya sa kabilang side. May pader na nakapagitan sa amin, tapos umakyat ako sa pader at buti na lang, hindi ako nahulog at nakatawid ako sa pader. Natuwa ang girlfriend ko nang makita niya ako.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Noynoy
Sa iyo, Noynoy,
Ang ibig sabihin ng pader ay hadlang o sagabal. May mga hadlang sa pag-iibigan n’yo ng girlfriend mo. Maraming sagabal na dapat mong mapagtagumpayan para kayo ang magkatuluyan.
Samantala, ang sabi mo ay natawid mo ang pader at hindi ka nahulog. Ang ibig ipahiwatig nito ay mapagtatagumpayan mo ang anumang pagsubok na iyong kakaharapin para magkatuluyan kayo ng girlfriend mo. Liligaya kayo at magsasama habambuhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments