top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pabahay sa mga binagyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 23, 2021
  • 1 min read

@Editorial | December 23, 2021



Grabe ang pinsalang idinulot ng Bagyong Odette.


Maraming bahay ang nawasak.


Kaugnay nito, nagsusumite na ng mga proposals ang National Housing Authority (NHA) sa national government upang mabigyan na ng permanent resettlement sites ang mga informal settlers na sinalanta ng Bagyong Odette.


Idaraan umano ang proposal na ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ginagawang assessment sa mga binibisitang lugar na apektado ng nagdaang bagyo.


Inaalam pa ng mga district at regional managers ang lawak ng pinsalang iniwan ni ‘Odette’, at ang magiging basehan ay ang bilang na manggagaling sa NDRRMC mismo.


Ang mga social workers na rin ang siyang bahala sa binubuong listahan ng mga beneficiaries para sa emergency housing program.


Gayunman, cash assistance muna ang unaasikaso mula sa para sa mga biktima ng bagyo.


Napakalaking tulong na mabigyan na ng mas maayos, komportable at ligtas na tirahan ang mga walang kakayahang magkabahay.


Huwag na sanang mangyari na dumaan pa ang maraming taon bago tuluyang makaalis mula sa mga evacuation center o sa tinatawag na ‘tent city’.


Matugunan sana ng gobyerno ang isyu sa pabahay. Batid natin na marami pa ring bakante at nabubulok na lang dahil hindi natitirhan. Sa halip na masayang, ibigay na sa mga nangaingailangan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page