top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pabagu-bagong panuntunan sa pagbabakuna, maiwasan sanang magdulot ng pagkalito at takot

  • BULGAR
  • May 16, 2021
  • 1 min read

@Editorial | May 16, 2021


Sa gitna ng pagbabakuna kontra-COVID-19, hindi maiwasang magkaroon ng pabagu-bagong panuntunan at sistema.


Una nang naging isyu ang brand ng bakuna na itinuturok depende sa edad. ‘Yung dating bawal sa senior citizens, ngayon puwede na, habang ‘yung oks noon, hindi na inirerekomenda ngayon. Hanggang sa may kaso pa na gagawing palabunutan ang bakunang ibibigay para maiwasan ang pamimili.


Sunod namang pagbabago ‘yung mismong pagtuturok ng bakuna.


Sa naunang panuntunan, kailangan ay suriin munang mabuti ang babakunahan. Itse-check ang kanilang vital signs, kumbaga hindi basta turok lang.


Hanggang sa magdesisyon ang Department of Health na hindi na ito kailangan.


Ayon sa ahensiya, ito ay para maiwasan ang mahabang pila sa mga vaccination sites.

Batay umano sa kanilang pagsusuri, ang pagkuha ng vital signs (blood pressure, temperature, pulse rate at heart rate) ang nakapagpapabagal sa pagbabakuna.


Una na rin umano itong inirekomenda ng Philippine Society of Hypertension and the Philippine Heart Association, na sinabing hindi na kailangan ang vital signs screening bago ang pagtuturok. Ang kailangan lang umano ay i-monitor ang may blood pressure (BP) na 180/120 o mas mataas pa, may history ng hypertension at damaged organs. Sa kasalukuyang sistema, kapag mataas ang BP ay hindi binabakunahan.


Kaugnay nito, marami ang nagtaka at medyo natakot, “okay lang ba ‘yun?”. Paano kung may hindi normal sa nararamdaman ng tao, basta turok na lang?


Kaya ang pakiusap sa mga namamahala sa pagbabakuna, maging malinaw sana pagdating sa mga panuntunan. Maiwasan sana ang pabagu-bagong sistema na maaaring magdulot ng duda, lito at takot sa publiko.


Batid naman natin na kailangan maturukan ang karamihan pero, huwag naman sanang madaliin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page