top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PABA, bubuo ng draft para ipasa sa IATF na ihahanda sa World Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2020
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | July 10, 2020




Dudulog na ang pamunuan ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at Department of Health (DOH) upang humingi ng aprobasyon para makapag-ensayo at makapaghanda para sa preparasyon sa Women’s Baseball World Cup na nakatakda simula Nobyembre 12-21 sa Tijuana, Mexico.


Inihayag ni PABA secretary-general Jose Antonio Pepe Munoz na naghahanda ng husto ang kanilang koponan na sumabak sa World Cup, samantalang nasa proseso na ang mga ito sa paggawa ng rekomendasyon para ipasa at isangguni sa task force na kanilang ibinase sa ibinigay ng World Baseball-Softball Confederation (WBSC).


We are seriously planning to participate in the World Cup,” wika ni Munoz sa panayam ng Bulgar mula sa online interview. “We are preparing a request to the IATF, though, we are still working on the draft and it will take some time as we are using the IF (International Federation) recommendations but need to reflect to local conditions,” dagdag nito.


Dahil sa nararanasang mga paghihigpit ng bansa at pagpapatigil ng Philippine Sports Commission (PSC) sa mga pagsasanay ng aktuwal at pisikal sa lahat ng national sports association (NSAs) bunsod ng pananalasa ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic; marami ang nahihirapang maipagpatuloy ang kani-kanilang mga ensayo at paghahanda, partikular na ang mga ‘Team Sports.’


Nitong nakalipas na linggo, tanging ang mga professional sports pa lamang gaya ng Philippine Basketball Association at Philippine Football Federation ang binigyan ng aprobasyon ng IATF mula sa rekomendasyon ng Games and Amusement Board (GAB).


Nauna ng inihayag ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na gumawa na ng hakbang ang kanilang ahensiya upang irekomenda sa task force at health department ang mga dokumentong ipinasa ng pitong sports, kabilang ang basketball, volleyball, football, athletics, gymnastics, karate at rugby; ngunit hindi nangangakong mabibigyan ng pagpayag dahil maraming proseso at hinihinging protocols at pag-iingat.


That’s what we are working on right now. We will also work closely with PSC,” saad ni Munoz.


Direktang nakakuha ng ticket patungong World Cup ang Pilipinas sa bisa ng matagumpay na pagkapanalo nito laban sa China via 11-1 victory sa 2nd BFA Women’s Baseball Asia Cup noong Nobyembre 2019 sa Guangdong, China.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page